Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko Melendez, mas nata-challenge sa mga kontrabida roles

IPINAHAYAG ni Aiko Melendez na kakaibang challenge ang nararamdaman niya kapag gumaganap siya ng kontrabida roles. Sa pinakabagong TV series ng ABS CBN titled Wildflower na na tinatampukan ni Maja Salvador at magsisimula nang umere sa Monday, February 13, sinabi ni Aiko na iba ang masasaksihan sa kanya ng televiewers dito.

“Ibang-ibang Aiko ang makikita nila at iyong sagupaan namin ni Maja is something na dapat abangan. Iyong character ko rito is strong, but deep inside ay kawawa. Also, dapat abangan kung bakit siya nagkaganoon po. Kumabaga, may pinanggalingan ang kasamaan ko po rito,” pahayag ni Aiko.

Sinabi rin niyang mas challenging para sa anya ang maging kontrabida.

“Mas msarap talagang laruin ang pagiging kontrabida. At saka challenge iyon sa akin, so, mas gusto ko talaga na maging kontrabida.”

Ano ang masasabi mo kay Maja Salvador bilang artista?

Esplika niya, “Si Maja, mahal ko na siya, napakabuting bata, thoughtful, walang ere and genuine ang kabutihan niya. Bonus na lang na mahusay na artista pa siya, malalim ang hugot niya as an actress.”

Nabanggit din ni Aiko ang role sa pelikulang Balatkayo, bilang isang OFW na nagkaproblema sa anak nang nagkaroon ito ng sex video scandal sa Pilipinas.

“It’s something na kakaiba ‘coz ‘yung relationship ko with my son dito is di gaanong kagandahan and normally kasi, ang role ko is always iyong naloloko ng asawa. Eto, iba ang twist po, eh.”

Sa pelikula ay malalim na tinalakay ang buhay ng mga OFW na nagsasakripisyo  para mabigyan ng maayos na kinabukasan ang kanilang pamilya. Sa paghahangad na makaangat sa buhay, minsan ay nasisira ang kanilang pamilya dahil sa kalungkutan at tukso. Si James Robert ang solong anak dito nina nina Aiko (OFW sa Singapore) at Polo Raveles (OFW sa Dubai) na masasangkot sa sex-video scandal.

Ang Balatkayo ay mula sa pamamahala ni Direk Neal Tan at tinatampukan din nina Polo Ravales, Nathalie Hart, Rico Barrera, James Robert, at iba pa.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …