Monday , December 23 2024
dead gun

5 ASG patay, 1 huli sa AFP ops sa Sulu

ZAMBOANGA CITY – Patay ang limang kasapi ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG), habang isa ang naaresto sa operasyon  ng militar sa Sitio Talok Talok, sa munisipyo ng Capual, sa lalawigan ng Sulu kahapon.

Inihayag ni Maj. Gen. Carlito Galvez, commander ng Western Mindanao Command (WestMinCom), ang mga napatay at naaresto sa operasyon ng mga sundalo ng Joint Task Force Sulu, ay mga tauhan ni Abu Sayyaf sub-leader Alhabsy Misaya.

Ayon kay Galvez, si Misaya ay nakabase sa munisipyo ng Indanan, may humigit kumulang 40 tagasunod at humahawak din ng natitirang kidnap victims.

Sa isinagawang clearing operation ng mga sundalo sa lugar ng sagupaan, nakuha ang limang bangkay ng napatay na mga terorista.

Nasa walong high-powered firearms ang narekober ng  militar, kabilang ang apat M16 at apat M14 rifle at iba pang mga kagamitan ng mga bandido.

Dakong 8:00 am nang makasagupa ng Marine Special Operations Group (MARSOG) ang mga bandido, na umabot sa 20 minuto.

Walang napaulat na nasugatan sa panig ng mga sundalo, ngayon ay patuloy ang pagtugis sa tumakas na mga bandido.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *