Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jericho Rosales, mag-aaral ng filmmaking at magpo-produce

Nabanggit din ni Echo na gusto niyang mag-aral dahil plano niyang mag-produce ng pelikula pagdating ng araw.

“Kasi ako, like this year, mas malaki ang plano ko. Gusto kong mag-aral muna at mag-produce. Medyo gusto kong mag-concentrate sa film.

“Plano ko sa New York, kung puwede, pero kung hindi sa UP na lang para hindi na lumayo.

“Kasi, matagal ko ng plano ’yun. Pero this year talaga. Parang gusto ko nang tapusin ’yung procrastination ko, eh,” kuwento ng aktor.

Pero may kasalukuyang offer na teleserye ang ABS-CBN kay Jericho kaya hoping siya na matuloy ang plano niyang mag-aral at mag-produce.

Tungkol naman sa isinu-shoot nina Echo at Bela na Luck at First Sight ay tinanong siya kung hindi siya naiilang na nasa set din ang ex-boyfriend ng aktres na si Neil Arce bilang co-producer ang Viva Films at N2 Production.

Pero mukhang hindi alam ng aktor na hiwalay na sina Bela at Neil, ”no, Neil is very ano, eh, hindi naman sila nagbigay ng ganoong atmosphere sa set na alam mo ‘yun? Although it’s the first time that I worked with sa production nga na kumbaga may ano, alam ko naman na may relationship sila, but hindi naman ako (nakaramdam) sa set na ‘yung hindi ako makagalaw, ‘yung parang ganoon.

“Of course, ‘di ba, siyempre, as a guy, you have to give respect na ‘okay, ingat ka’.

“Hindi naman dahil may gagawin akong ibang bagay ‘pag hindi nakatingin, parang ganoon, but meaning, a little bit careful, you know.

”But then, Neil opened up also, naging parang magkaibigan kami. Minsan, nagkita na kami sa labas, once or twice I think, nagkita na kami. Then, pumunta siya rito sa ano, so naging magbarkada na kami.”

At nang banggitin kay Echo na hiwalay na ang dalawa ay hindi raw niya alam dahil, ”hindi naman nila ipinakita ‘yun, eh. Wala namang ganoon sa set. Hindi naman sila umiiyak sa set, eh.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …