Sunday , December 22 2024
yosi Cigarette

Probe vs pekeng tax stamps sa yosi palalawakin

IKINAGALAK ng mga mambabatas, sa pangunguna ng chairman ng House committee on ways and means, ang pinalawak na imbestigasyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR), sa paggamit ng pekeng tax stamps sa sigarilyo.

Sakop nang pinalawig na imbestigasyon ang lahat ng manufacturers at importers, kabilang ang “banyagang kompanyang” Philip Morris FortuneTobaco Corporation (PMFTC).

Sinabi nina Quirino Rep. Dax Cua, ABS party-list Rep. Eugene Michael de Vera, Akbayan party-list Rep. Tom Villarin, at Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe, makatutulong ang pahayag ni BIR Deputy Commissioner for Legal Service Jesus Clint Aranas, na imbestigahan ang lahat ng tobacco firms, sa revenue generation ni Presidente Duterte, at  maisulong ang patas na kompetensiya sa nasabing  industriya.

Bukod sa suporta sa BIR sa kampanya laban sa tax evasion, sinabi ni Cua, chairman ng ways and means, sinusuportahan din niya ang House Bill 4144, inihain ni de Vera, mag-aamyenda sa Republic Act 10351, o Sin Tax Reform Act, magtataas sa excise tax rates sa low-end at premium cigarette brands, upang mabawasan ang naninigarilyong mga Filipino at makakolekta nang karagdagang P14 bilyong kita ang gobyerno.

Naipasa ang panukala sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara noong Disyembre at kasalukuyang nakabinbin sa Senado.

Una rito, itinanggi ng Mighty Corporation (MC), isa sa pinakamatagal na Filipino-owned cigarette manufacturer sa bansa, ang paggamit ng pekeng stamps sa kanilang operasyon.

Sinabi ni De Vera, tama at patas lamang na isama ng BIR ang pag-check sa mga dayuhang kompanya para matugunan ang bilyong pisong pagkalugi ng gobyerno dahil sa tax evasion.

Tungkulin aniya ng BIR na habulin ang mga tax evaders, kabilang dito ang paggamit ng pekeng stamps sa sigarilyo, para makaiwas sa pagbabayad ng excise taxes.

Habang sinabi ni Villarin, isang magandang hakbang ang gagawin ng BIR para matakpan ang butas sa koleksiyon ng  ‘sin taxes’ na inilalaan sa universal health program.

(JETHRO SINOCRUZ)

About Jethro Sinocruz

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *