Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Adik, pusher at drug lord tuloy ang ligaya

NITONG nakaraang Lunes, pormal na sinuspendi ni PNP chief Diector  General Ronald dela Rosa  ang Oplan: Tokhang.  Ibig sabihin, tigil na ang anti-drug operation partikular ang bahay-bahay na pangangatok sa mga komunidad na ginagawa ng pulisya.

Ang suspensiyon ng Oplan: Tokhang ay bunga na rin ng sunod-sunod na dagok sa PNP lalo ang nangyaring pagkidnap at pagpatay sa Koreanong si Jee Ick-joo. Kabilang din ang pangingikil sa tatlo pang Koreano na tinokhang, at ang inilabas sa Senate hearing na video footage na nagpapakita ng “tanim-shabu” ng mga pulis sa isang tinokhang na opisina.

Sa pangyayaring ito, hindi maitatanggi na ang grupo ni dating Pangulong Noynoy Aquino at mga alipores sa Liberal Party kabilang ang leftist group ang higit na masaya at nagtagumpay dahil  sa matagal na silang kontra sa Oplan: Tokhang.

Katuwiran nila, paglabag sa karapatang pantao ang pagpapatupad ng Oplan: Tokhang.

Pero kasabay ng pagdiriwang ng grupo ni Noynoy at grupong makakaliwa, nagsasaya rin ngayon ang mga adik, pusher at drug lord. Alam ng mga adik, pusher at drug lords sa mga komunidad na malaya na silang makagagamit at makapagtutulak ngayon ng shabu dahil sa suspensiyon ng Oplan: Tokhang.

Magiging malaya ang kalakalan ng shabu at siguradong darami ang mga adik sa ginawang pagpapatigil ng Oplan: Tokhang. Asahang sa mga susunod na araw,  marami ang mga inosenteng sibilyan ang magiging biktima ng ilegal na droga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …