MAS palaban sumagot at walang kiyeme si Iza Calzado kompara kay Bea Alonzonang tanungin ni Vice Ganda sa Gandang Gabi Vice kung importante ang sexual compatibility kanila.
Buong ningning na sinagot ni Iza na ”Aba dapat.”
Dinugtungan naman ito ni Bea na, ”Parang expression of love siya, eh.”
Humantong din ang usapan kung importante ang size o performance?
“Performance matters. Charot! Hindi, love matters talaga,” tumatawang pahayag ni Iza.
May rebelasyon din ang Ilawod star na hindi siya matagal nababakante at loveless. Pinakamatagal na raw ‘yung three months. Pero nagtatagal naman daw ang pakikipagrelasyon niya.
Gaya na lang sa boyfriend niya ngayon na si Ben Wintle na umabot na ng five years. Balak sana noon ni Iza ay one year muna bago siya makipag-boyfriend ulit. Pero, hindi na niya pinatagal ang ligawan stage nila ni Ben. Baka raw mawala pa dahil guwapo.
Talbog!
TALBOG – Roldan Castro