GENERAL SANTOS CITY – Patay ang isang emple-yado ng City Waste Management Office makaraan pagbabarilin sa GenSan Central Public Market kamakalawa.
Kinilala ang biktimang si Ricky Diolen, 55-anyos, may pitong anak at residente ng Brgy. Dadiangas West nitong lungsod.
Sinasabing isang lalaking nakasuot ng itim na jacket ang bumaril sa biktima na agaran niyang ikinamatay.
Nakuha sa bulsa ng biktima ang P94,000 halaga ng cash.
Hinihinalang may kaugnayan sa kanyang trabaho ang motibo sa pagpatay sa biktima.
Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.