Monday , December 23 2024

NSC kumikilos vs ‘Lenileaks’

010917_front
INIIMBESTIGAHAN na ng intelligence community ang posibleng partisipasyon ng mga tauhan ni Vice President Leni Robredo at pakikipagsabwatan nila kay Fil-Am billionaire Loida Nicolas-Lewis sa destabilisasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi kahapon  ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., hinggil sa  natanggap nilang mga report hinggil sa #Lenileaks o ang pagligwak sa social media ng pag-uusap sa ‘restricted’ Yahoo group na Global Filipino Diaspora Council (GFDC) na nag-uugnay sa Office of the Vice President sa destabilisasyon laban sa administrasyong Duterte.

Ayon kay Esperon, kasama ang #Lenileaks sa agenda ng cabinet meeting ngayon.

Kabilang sa mga prominenteng kasapi sa GFDC group ay sina billionaire Fil-Am lobbyist Loida Nicolas-Lewis, kapatid niyang si Commission on Filipinos Overseas (CFO) Imelda “Meldy” Nicolas, CFO Commissioner Jose Molano Jr., Inquirer US Bureau columnist Ted Laguatan, ABS-CBN Europe News Bureau correspondent Atty. Gene Alcantara at Northern Europe civil society leader Filomena Mongaya Hogsholm.

Batay sa usapan sa GFDC Yahoo Group o social media group ng OVP, nakasaad ang damage control ng kampo ni Robredo sa mga batikos sa pagpapasarap niya sa US habang binabayo ng bagyong Nina ang kanyang mga kababayan sa Bicol region.

Nakalagay rin kung paano babaliktarin ang isyu at palabasin na sina  Duterte at Marcos ang masama.

May nakabimbin na electoral protest si Marcos laban kay Robredo sa Presidential Electoral Tribunal (PET).

Ang mga nakasaad sa mga naligwak na dokumento ay taliwas sa pagtanggi ni Robredo na sangkot siya sa planong pagpapatalsik kay Duterte.

Bago ang Kapaskuhan ay isiniwalat ni Duterte na kaya inalis sa gabinete si Robredo dahil kasali siya sa mga hakbang na nagsusulong na patalsikin siya sa puwesto.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *