Friday , June 5 2026
John Lloyd Cruz Angelica Panganiban

Lloydie at Angelica, may ‘something’ na naman

ANO kaya ang tunay ng estado ng relasyon ngayon ng Banana Sundae star na si Angelica Panganiban at Home Sweetie Home actor na si John Lloyd Cruz?

Nagbiro kami sa isang malapit kay Angelica na magka-caroling ang PMPC sa aktres oong bago mag-Pasko.

Na-shock kami sa sagot niya na tapatan daw namin si Angelica sa bahay niya at baka matiyempuhan pa namin si John Lloyd.

Tanong namin ay kung nagkabalikan na ang dalawa? Matagal bago kami nasagot ng katsika namin sabay sabing friends lang sila.

Mukhang may something na naman kina Angelica at John Lloyd, huh!

Although, consistent si Lloydie sa mga interview niya sa pagsasabing single siya ngayon at ini-enjoy niya ‘yun. Almost one year na rin noong mag-split sila ni Angelica pero hindi rin nila idine-deny na madalas ang pagkikita nilang dalawa.

Ang turing kasi ni John Lloyd kay Angelica ay  BFF (best friend forever) o kaya best friend for life .

So, may posibilidad pa rin na magkabalikan ang dalawa, ‘di ba?

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Isha Ponti

Isha Ponti walang isyu sa taguring Asia’s Pop Sweetheart 

HARD TALKni Pilar Mateo ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha …

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …