Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ilantad tunay na lagay ng kalusugan ni Duterte

NAKABABAHALA ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo “Digong’ Duterte na baka hindi na raw niya matapos ang kanyang termino. Higit pang nabahala ang maraming tagasuporta niya nang sabihin ng kanilang idolong pangulo na madalas siyang inaatake ng migraine at matindi ang gamot na kanyang iniinom para labanan ang pananakit ng kanyang ulo.

Lalong naging usap-usapan sa mga kumpulan ang ilang sabi-sabi ng mga grupong kontra kay Duterte na baka nga raw may cancer ang 71-anyos na pangulo dahil ang painkiller na iniinom niya ay hindi lamang basta ordinaryong pain reliever kundi 10 beses na mas matindi sa epekto ng morphine.

Sino ba ang hindi mababahala rito? At sino ang hindi mag-iisip na baka nga may matinding sakit ang pangulo? Isang malaking concern ‘di lamang ng kanyang Gabinete, pamilya at lalo’t higit ng kanyang mga tagasuporta ang kalusugan ng pangulo. Ano nga ba naman talaga ang mangyayari sakaling may sakit nga ang pa-ngulo, (at harinawa’y huwag ipagbadya ng Diyos) na hindi niya kayanin tapusin ang kanyang termino?

Gayong mayroong makikitid ang isip na nagdarasal na sana ay hindi matapos ni Duterte ang kanyang termino, iba naman ang ating dasal, na sana ay maging tapat ang administrasyon sa tunay na estado ng kalusugan ng pangulo upang matigil ang sari-saring espekulasyon.

Sa ganitong paraan mapapanatag ang kalooban ng kanyang mga tagasuporta, kesehodang maganda man o hindi maganda ang katayuan ng kanyang kalusugan.   Kumbaga maihahanda nila ang kanilang sarili sa kung ano man ang posibleng mangyari, matapos man o hindi ng pangulo ang kanyang termino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Inter-parliamentary courtesy o pag-iwas sa imbestigasyon?

AKSYON AGADni Almar Danguilan ISANG mabigat na paratang ang ibinato ni Senator Rodante Marcoleta na …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Walang Gawain na nakatali sa kasarian
Mga babae, binabasag mga hadlang sa kasanayan sa konstruksyon

PADAYONni Teddy Brul SA PAGDIRIWANG ng National Women’s Month, isinusulong ng Association of Women Workers …

Firing Line Robert Roque

Mga kababaihan sa likod ng mga dinastiyang pampolitika

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KAPAG iniisip ng mga Filipino ang mga dinastiyang pampolitika, …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ano ang tunay na layunin ng ‘Maleta soldiers’ exposé?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI  itinuturing na aksidente ang paglitaw ng 18 kataong nagpakilalang ex-Marines …

Aksyon Agad Almar Danguilan

May mga tanong sa kredibilidad at identidad ng 18 ex-Marines

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA KASALUKUYANG pagdinig ng International Criminal Court (ICC) sa kasong kinakaharap …