MARIIN ang pagkakabitaw ni Andrea Torres ng salitang ’single ako’ . Hindi detalyado pero parang break na sila ng rumored boyfriend niyang si Sef Cadayona dahil bihira na ang komunikasyon nila since September.
Mukhang pinanindigan din ni Andrea na never na naging sila ni Sef dahil malutong din niyang sinabi na hindi naman naging sila.
Hindi rin nakaligtas si Andrea sa tsikang pinagseselosan siya ni Marian Riverabilang isa sa leading ladies ni Dingdong Dantes sa serye nito.
Totoo bang kinausap siya ni Yan (Marian)? Hindi raw totoo ‘yun dahil wala raw siya noong dumalaw si Marian sa set. Late call daw siya at hindi raw sila nagkita. Imposible raw na magkaisyu sila at magkaroon ng friction ni Marian dahil ate-atehan niya ito at kuya-kuyahan naman si Dingdong.
Actually, pinadadalhan pa nga raw niya si Marian thru Dingdong ng pagkain gaya ng polvoron at bread pudding.
Kung naiintriga man si Andrea kay Dingdong kompara kay Megan Young ay dahil siguro sa eksena nilang sexy, kissing scene, at pagpi-flirt kay Pepe (karakter ni Dong).
Pak!
TALBOG – Roldan Castro