PATULOY na namamayagpag ang ABS-CBN sa mga student award-giving body matapos makuha ang pinakamataas na awards para sa TV, radyo, print, at online sa katatapos lamang na Polytechnic University of the Philippines (PUP) Mabini Media awards noong nakaraang linggo.
Ang Kapamilya Network, na nangungu-nang media at entertainment company sa bansa, ay nag-uwi ng 19 pagkilala, kasama na ang Station of the Year para sa ABS-CBN, Best AM Radio Station of the Year para sa DZMM Radyo Patrol 630, Best Fashion and Lifestyle Magazine para sa Metro Magazine, at Best Online News Website para naman sa news.abs-cbn.com.
Nanguna ang ABS-CBN Integrated News & Current Affairs sa mga nanalo sa pagkakuha nito ng 10 awards kasama na ang Best Morning Program ng Umagang Kay Ganda, Best Educational Program ng Matanglawin, Best Sports Program ng Sports U, Best Public Affairs Program ng Failon Ngayon, Best AM Radio News Program ng Radyo Patrol Balita, at Best AM Radio News Commentary Program para sa Dos Por Dos.
Ginawaran din ang mga batikang broadcast journalist na sina Karen Davila at Anthony Taberna bilang Best Female News Anchor at Best AM Radio Commentary Program Host.
Nanalo rin ang ABS-CBN ng mga major award para sa entertainment category. Pinangunahan ito ng pinagbibidahan ni Coco Martin na FPJ’s Ang Probinsyano, na nanalo bilang Best Primetime Drama Series, It’s Showtime (Best Variety Show), Be My Lady (Best Daytime Drama Series), Gandang Gabi Vice (Best Talk Show), at The Voice Kids (Best Game/Reality Show).
Ang flagship FM radio station naman ng Kapamilya Network na MOR 101.9, ay masaya ring nakapag-uwi ng dalawang awards sa pagkilala kay DJ Chacha Babes bilang Best FM Female DJ, samantalang Best FM Program naman ang Heartbeats with Chacha Babes.
Ang PUP Mabini Media Awards ang pinakamalaking students’ choice award-giving body na naglalayong magbigay-parangal sa mga natatanging media practitioner, network, programa, at estasyon ng radyo na nagsisilbing mga huwaran para sa mga communication student.
Sa pagkapanalo nito, tinanggap ng ABS-CBN ang ikawalong Best Station Award mula sa mga student award-giving body. Ang ABS-CBN ay tahanan ng top-rating TV programs, box-office films, best-selling na mga libro, at musika. Gamit ang pinakabagong teknolohiya, mabilis na nagbabago ang koompanya upang maging isang digital company na may pinakamalawak na impluwensiya online. Ang ABS-CBN din ang kauna-unahang naghandog ng content sa fans nito sa online at mobile, at una ring naghatid ng digital television sa bansa.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio