Monday , December 23 2024

PNoy, alipores sasampolan ng Duterte admin (Sa kampanya kontra katiwalian)

SASAMPOLAN ng administrasyong Duterte si dating Pangulong Benigno Aquino III at kanyang mga alipores sa kampanya kontrakatiwalian.

Ito ang tugon ng Palasyo sa panawagan ng makakaliwang grupong Anakbayan na ipursige ng administrasyong Duterte ang pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal ng gobyernong Aquino kaugnay sa mga isyu na may kinalaman sa korupsiyon gaya ng Disbursement Acceleration Program (DAP), calamity at agricultural funds pati na ang Mamasapano incident.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, bagama’t hindi ito kagyat na matututukan ng administrasyong Aquino, may tamang oras para harapin ito at busisiin.

“Everything is… Everything has to follow a particular process. But at this stage also, we need to attend to urgent and important matters at hand.  But definitely these things are being — are within the scope of the intention to fight corruption and to make sure that things that have been, things are made right,”  ani Abella.

Kaugnay nito, inihayag ng Communications Undersecretary for Legal Affairs  Atty. Enrique L. Tandan III, may natuklasan mga iregularidad sa mga ipinasok na kontrata ng National Printing Office (NPO) noong administrasyong Aquino sa ilalim ni dating Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Binigyan ng go signal nina Communications Secretary Martin Andanar, Executive Secretary Salvador Medialdea at Special Assistant to the President Cristopher Go ang pagsasampa ng mga kaukulang kaso laban sa mga sangkot sa katiwalian.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *