MALAKI ang pagbabago simula nang mawala si Kris Aquino sa ABS-CBN 2. Hindi na raw sila madalas magkita. Pero patuloy pa rin ang komunikasyon nila sa phone. Rati kasi madali lang puntahan ni Vice Ganda si Kris dahil nasa studio o dressing room lang ito ng ABS.
Pero bet ni Vice na maging Kapamilya pa rin si Kris. Pero keri raw ng Queen Of All Media kahit wala siya sa ABS-CBN 2 dahil madiskarte at strong woman ito.
Hindi naman humingi ng tulong si Kris o magsilbing tulay si Vice sa Kapamilya Network kaya hindi siya nakialam. Hindi naman daw kasi siya ‘yung tipong madaldal at pakialamera. Ayaw naman daw niyang i-open sa ‘asawa’ (tawagan nila) niya ang bagay na ito dahil ayaw niyang maramdaman ni Kris na kumukuha lang siya ng tsismis.
TALBOG – Roldan Castro