Saturday , November 23 2024
congress kamara

Death penalty umarangkada na sa Kamara

Umaariba na ang panukalang  pagbabalik ng capital punishment sa Kamara de Representantes.

‘Yan ay matapos aprubahan ng subpanel ang panukalang batas nitong Martes.

Kung hindi tayo nagkakamali halos 10 taon na ang nakalilipas nang i-abolish ang death penalty pero nagkaroon ng clamor na muli itong ibalik  dahil sa malalalang kriminalidad.

Kaya sa ilalim ng panukalang batas, iminumungkahi na ang mga krimen na treason, piracy, qualified bribery, parricide, murder, infanticide, rape, kidnapping & illegal detention, robbery with violence, destructive arson, plunder, drug-related crimes at carnapping ay may kaparusahan na kamatayan na maaaring sa pamamagitan ng bitay, firing squad o lethal injection.

Ang anim na congressman na bumoto sa reimposition ay sina deputy speakers Rep. Fredenil Castro (Capiz, 2nd District), at Rep. Sharon Garin (AAMBIS-OWA party-list) at sina representatives Robert Ace Barbers (Surigao del Norte, 2nd District), Arturo Defensor Jr. (Iloilo, 3rd District), Alfredo Garbin Jr. (Ako Bicol party-list), at Aurelio Gonzales Jr. (Pampanga, 3rd District).

Mayroon din limang mambabatas na bumoto  para sa version ng proposal na naglilimita sa death penalty sa drug-related crimes.

Sila ay sina Deputy Speaker Representatives Eric Singson (Ilocos Sur, 2nd District), Luis Campos (Makati, 2nd District), Eugene De Vera (ABS Party-list), Roger Mercado, (Southern Leyte), at Victoria Noel (An Waray Party-list).

Ganoon din sina Representatives Lawrence Fortun (Agusan del Norte, 1st District) at Ramon Rocamora (Siquijor).

Kung hindi tayo nagkakamali, pagkatapos ng hearing, ito ay isusumite sa mother committee.

Kapag naaprubahan, ito ay iaakyat na sa plenary para sa debate.

Umaasa si House Speaker Pantaleon Alvarez, co-author ng surviving bill, mailalatag ito sa plenary bago mag-Christmas break ang Senado. At inaasahang maipapasa sa Agosto.

Kung hindi masyadong aangal ang mga pro-life advocates, malamang na mapapadali ang pagpapasa nito.

Asahan ang lalo pang pag-iingay at pangangalampag ng mga tinatawag na human rights activists.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *