MASAYA si Alfred Vargas sa kanyang pagbabalik-pelikula. Ang award-winning actor at masipag na public servant ay muling gagawa ng pelikula via Direk Perry Escaño’s Ang Guro Kong di Marunong Magbasa na entry sa Cinemalaya 2017.
Ipinahayag ni Alfred na proud siya at happy sa bagong movie project na ito. “Ito’y para sa Cinemalaya 2017. So, nakapagpa-alam naman ako sa mga constituents ko at pumayag sila. Actually, gusto ng mga constituents ko na mapanood tayo kahit once a year. Kahit one movie a year ay okay na raw sa kanila.
“Ito naman, advocacy project ko rin. Kaya ko ito tinanggap, kasi ay napakaganda ng script, e. This film promotes education at saka literacy. So, parang I’m hitting two birds with one stone. Naika-campaign ko yung advocacy ko, at the same time ay nababalikan ko yung passion ko, which is yung acting talaga.
“So, siguro ito, medyo parang come back na rin and what a better way to comeback than a Cinemalaya project, hindi ba?” masayang pahayag ni Alfred.
Aminado siyang na-miss ang pag-arte sa harap ng kamera. “Of course, nami-miss ko talaga ang acting. Iyon naman kasi talaga ang passion ko. I haven’t done a project for three to four years, ang Separados ang last ko.”
Ayon pa sa kanya, hindi siya nakatuon dito sa acting award, kundi sa kanyang advocacy. “Ang target ko talaga rito ay yung advocacy ko, gusto ko talagang isulong yung education for all. Na lahat, kahit saang sulok ka ng Pilipinas nakatira, may karapatan kang mag-aral, may karapatan kang matuto, may karapatan kang to reach your dreams.
“Actually, hindi ko kilala si Direk Perry, ipinakilala lang ng common friend namin. Nang nabasa ko ang script, ang ganda talaga ng script. Kaya nag-text talaga ako sa common friend na ito para sabihin na interested ako dahil baka maunahan pa ako ng iba, e,” natatawang saad pa niya.
Dagdag pa ni Alfred, “Kasi, hindi dapat hadlang ang kahirapan, hindi hadlang kung saan ka ipinanganak, kung saan ka nakatira, kung ano ang estado mo sa buhay, para sa edukasyon. So basically, that’s why I’m doing this project. Sana mai-tour natin sa buong Pilipinas ito para maging aware rin yung mga tao sa mga tunay na nangyayari sa bansa natin.”
Kasama ni Alfred sa pelikulang Ang Guro Kong di Marunong Magbasa sina Mon Confiado, Kiko Matos, Lou Veloso, Loren Burgon, Miggs Cuaderno, at iba pa.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio