HINDI maitago ng mahusay na singer/composer na si Paolo Onesa ang kasiyahan dahil original ang mga song na nakapaloob sa kanyang bagong album.
Kuwento nito nang mag guest sa DZBB Walang Siyesta last November 21 para i promote ang kanyang Paolo Onesa Handwrittten album, “Nag-start ako mag-concentrate sa pagko-compose ng songs noong sumali ako sa isang reality show.
“Pero ‘yung first song na nagawa ko, high school ako, mga 16 years old ako noon.
“Nagawa ko ‘yun kasi nag-break kami ng girlfriend ko.
“Natatawa nga ako kapag naaalala ko siya ngayon, kasi nakagawa ako ng break-up song that time ha ha ha.
“Malakas ‘yung impact ng being in a relationship or break-up na nangyayari.
“Isa siyang Tagalog song, kaya rati pa lang may history na ako sa pagsusulat, kaya hindi na bago sa akin ang pagsusulat ng kanta.”
At kung magkakaroon nga ito ng pagkakataong makapili ng makaka-collaborate sa isang kanta ay ang kanyang showbiz crush/ idol na si Juli e Anne San Jose ang gusto niyang makasama at makatrabaho.
MATABIL – John Fontanilla