TALK of the town ang mainit na eksena nina Jessy Mendiola at Enchong Dee sa Mano Po 7 Chinoy. Hindi raw ba nagselos ang rumored boyfriend ni Jessy na si Luis Manzano?
Actually, supportive nga raw si Luis sa bagong pelikula niya.Nagbiro pa nga raw ito na mag-cameo raw siya at kinukulit daw si Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment Inc..
Ayon kay Jessy, sanay na raw siya kay Enchong sa mga maseselang eksena. Matagal na raw niyang nakatrabaho ito sa mga intimate scene. Alam na raw nila kung ano ang dapat gawin. Ang hindi lang kinaya ni Jessy ay ‘yung ipa-dub sa kanya ang halikan nila ni Enchong kaya ipinaubaya na lang niya sa dubber.
Showing na ang Mano Po 7 Chinoy sa December 14 na tampok din sina Richard Yap, Jean Garcia, Janella Salvador, Jake Cuenca, Marlo Mortel, Jana Agoncillo, Kean Cipriano. Ito ay sa direksiyon ni Ian Lorenos.
TALBOG – Roldan Castro