HINDI nadala si Vice Ganda at wala siyang balak na iboykot next year ang Metro Manila Film Festival 2016 kahit hindi pumasok ang The Super Parental Guardians.
Join pa rin daw siya dahil itinuturing niyang panata ang pagsali sa filmfest at pasayahin ang mga bata.Sila na raw ang bahala sa mga bata. ‘Yung mga pang-mature daw ay ipaubaya na sa iba.’
Ayaw na ring mag-react ni Vice sa sinasabi nila na malaking kawalan sa MMFF na hindi pumasok ang movie nila ni Coco. Hindi raw niya masasabi dahil hindi niya hawak ang magiging resulta. Hindi naman daw ganoon ang labanan na malaki ang mawawala sa filmfest.
Nanghihinayang lang daw siya sa ngiti na maiwawala sa mga bata. Buti na lang na maagang ipalalabas sa mga sinehan ngayong Nov 30.
Pak!
TALBOG – Roldan Castro