Friday , October 18 2024

Magnanakaw, tulak itinumba

DALAWANG lalaking hinihinalang magnanakaw at tulak ng ilegal na droga ang patay makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa mga lungsod ng Malabon at Navotas kahapon ng madaling-araw.

Base sa pahayag ni Neneng Mendoza, 43, volunteer tanod, kay PO2 Banjamin Sy, dakong 1:30 am kahapon, natagpuan ang duguang katawan ni alyas Nonoy sa Kaingin 1, Gov. Pascual Avenue, Brgy. Tinajeros, Malabon City. Natagpuan sa tabi ng biktima ang katulang may nakasaad na “Magnanakaw ako, ‘wag niyo ko tularan.”

Sa Navotas City, dakong 3:53 am nang matagpuan ni Barangay Executive Officer Ferdinand Sebastian ang wala nang buhay na katawan ng isang hindi nakilalang lalaki. Narekober sa lugar ang dalawang sachet ng shabu at tatlong basyo ng bala ng hindi pa nabatid na kalibre ng baril.

( ROMMEL SALES )

About Rommel Sales

Check Also

Knife Blood

Negosyanteng bebot naningil ng pautang tinodas ng tarak sa dibdib

PATAY ang isang 42-anyos negosyanteng babae nang saksakin ng kanyang sinisingil sa Sitio Stella Maris, …

Magsasaka itinumba sa harap ng mag-ina

BUMULAGTA ang isang magsasaka matapos barilin ng hindi kilalang mga suspek sa harap ng kaniyang …

Over 1,800 career opportunities offered at job fair in SM Center Pulilan

Over 1,800 career opportunities offered at job fair in SM Center Pulilan

Job seekers and companies gather at the recent job fair held at SM Center Pulilan …

Drug den binuwag ng PDEA, 3 tulak timbog sa Pampanga

Drug den binuwag ng PDEA, 3 tulak timbog sa Pampanga

ARESTADO ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga na naaktohan sa loob ng isang …

Arvin Lulu Mommy Lerms Lerma Lulu skin care online sellers

Sa mabilis na pagresolba sa Lulu couple murder case
PRO3 PINURI, ITINAMPOK NG PNP CHIEF

PINURI at kinilala ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil ang Police Regional Office 3 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *