Thursday , September 29 2022
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Plaza Lawton pugad ng ilegalista, kanlungan pa ng mga holdaper at magnanakaw!!! (Sa pusod ng makasaysayang Liwasang Bonifacio at City hall)

SA pusod ng Plaza Lawton at Manila City hall, mailap ang seguridad para sa mga motorista at pedestrian.

Nitong nakaraang Biyernes, isang lisensiyadong physical therapist (PT), ang nagsisi na lutasin ang pagkabalam niya sa masikip na trapik ng mga sasakyan sa pamamagitan ng paglalakad sa Plaza Lawton para makarating agad sa kanyang paroroonan.

Bagamat matagal na niyang naririnig na mayroong matitinik at notoryus na holdaper at snatcher sa Lawton, pinaniwalaan niyang takot ang masasamang loob sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, kaya kung mayroon mang magkakalakas ng loob ay hindi gagawa nang ganitong uri ng krimen on broad daylight.

Pero, anak ng teteng, maling-mali pala ang pag-aakala ng nasabing physical therapist dahil nabiktima siya, tinutukan ng holdaper saka kinuha ang kanyang bag at ilang mahahalagang bagay, ilang oras paglipas ng katanghaliang tapat ilang hakbang bago makatawid sa P. Burgos Drive.

OLYMPUS DIGITAL CAMERA
OLYMPUS DIGITAL CAMERA

Sonabagan!!!

Hindi takot ang mga ilegalista, masasamang loob, lalo ang mga holdaper kay tatay Digong?!

O talaga lang malakas ang loob ng mga ilegalista, masasamang loob, lalo ang mga holdaper dahil alam nilang todo-todo ang proteksiyon (as in protek-todo) sa kanila ang mga tong-pats na awtoridad sa Plaza Lawton?!

O baka naman, talagang engot lang at pakaang-kaang ang mga pulis na ‘yan sa MPD PCP Lawton?!

O baka naman mismong narco-police sa Plaza Lawton (na hindi na makadiskarte sa ilegal na droga) ang gumagawa ng karumal-dumal na krimen gaya ng panunutok at panghoholdap?!

Hindi natin alam kung ano ang sagot diyan.

Ang makasasagot sa mga katanungang ‘yan, ‘ay ‘yung mga awtoridad na malinis ang budhi, hindi sabit sa kotong, walang tong-pats sa ilegal at hindi operator ng illegal terminal sa Plaza lawton?!

Harinawang masagot nila, kung sila nga ay mag-iimbestiga nang matuwid.

Pero, tama bang mag-imbestiga lang? Wala bang aksiyon?

Hihintayin ba ng mga awtoridad, na mga kapamilya o kamag-anak nila ang mabiktima ng namumugad na mga ilegalista, masasamang-loob at holdaper diyan sa Lawton bago sila umaksiyon?!

Manila Police District (MPD) director, S/Supt. Jigz Coronel, alam ba ninyong, natakot magreklamo sa pulis o kahit magpa-blotter man lang ang biktimang PT dahil natatakot siyang makompirma na ‘baka’ konektado ang mga ilegalista at masasamang-loob sa Plaza Lawton PCP?!

Ang saklap S/Supt. Jigz Coronel!

Alam ba ninyong dahil sa masamang karanasan na ‘yan ng nasabing PT, biglang ang daming nag-offer na tutulungan siyang ma-replace na lang ang mga nanakaw sa kanyang dokumento gaya ng iba’t ibang IDs?!

Pero ang sagot niya, “Kahit ako po, kaya kong gawin ‘yan. Ang gusto lang namin matiyak, ‘ma-dampot’ at mawalis ang mga holdaper na ‘yan na sobrang malalakas ang loob!”

In short, hinahamon ng biktima ang mga awtoridad na wala na sanang sumunod na biktima pagkatapos niya.

Ang tanong, mangyari kaya?!

Kung talagang nagmamahalan
RELASYON NI VP LENI
AT KONGRESISTANG BF
HUWAG NANG ITAGO-TAGO

Nitong tudyuin ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte si Vice President Leni Robredo kaugnay ng kanyang makinis na tuhod na tila hindi lumuluhod, nasabi rin niya sa publiko na mayroong boypren si Madam.

Parang slip of the tounge.

Pero nang ma-realize niyang nasabi na niya, nagtanong na lang siya kay VP Leni na ngiti nang ngiti at tawa nang tawa, kung okey lang daw ba na banggitin at ipaalam sa publiko na mayroon nang boypren ang pambansang biyuda?

Nakangiti lang si Madam Leni, lumalaki at namimilog ang mga mata.

Saka muling ngumiti nang matamis pero parang nag-blush.

Aba, Madam VP, walang masama sa iyong plano kung gusto mong i-announce ang iyong pakikipag-boypren.

Ikaw naman ay matagal nang biyuda at single, kaya kung mapagpasyahan man po ninyo na muling umibig ay wala kayong lalabaging batas…

Babae rin kayo na nangangailangan ng pagmamahal ng isang lalaki.

Hindi naman siguro kayo mag-aala-Delilah ‘este Leila De Lima?

Siyempre, kung magbo-boypren kayo ay mas hahangarin ninyong single kayong dalawa.

‘Di po ba Madam?

Huwag nang itago ‘yan Madam VP, ilantad na si VP boypren!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sino’ng nakikinig kay Bongbong?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MALIWANAG na ang pinakamahalagang natamo sa biyahe kamakailan ni …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QC Jail PDLs, nabigyan ng pag-asang makapagtapos sa K12

AKSYON AGADni Almar Danguilan ANAK mo ba’y nakakulong ngayon sa Quezon City Jail Male Dormitory …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Bagong director, bagong imahen ng NBI, tama?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KAPWA may espesyal na pagkakakilanlan sina Energy Secretary Raphael …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Pagdukot, pagpapatubos sa mga Tsinoy, lumala na naman?

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKAPAPANGAMBA ang ulat ng Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry, …

Dragon Lady Amor Virata

Food crisis nakaamba, paano na ang Pinoy?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata KUNG sakaling magkaroon ng food crisis sa darating na …

Leave a Reply