ANG mahusay ba boksingerong si Nonito Donaire ang pinakabagong dagdag sa lumalaking pamilya ng Aficionado Germany Perfume na pag-aari ng napakabait at generous na CEO/President at tinaguriang Lord of Scents na si Joel Cruz.
Inilunsad ni Cruz si Donaire bilang brand ambassador ng Aficionado Perfume at ng kanilang top selling na foot spray blue. Ito rin ang paraan ni Joel para mag-reach our sa mga sport enthusiast para mabenta ang mga produko ng Aficionado.
Katulad ni Donaire, suportado at saludo si Cruz sa mga Filipino na nagbibigay karangalan sa bansa mula sa iba’t ibang larangan, mapa- beauty pageants, sports, movies, television, at entrepreneurship.
At sa paglago ng Aficionado Germany Perfume ‘di lang sa bansa kung hindi maging sa ibang bansa ay tumanggap ng award si Cruz sa Fukuoka, Japan last Nov.7 bilang World Achiever in the Field of Perfumery. Ito ay itinatag ng Socio Civic leader na Filipino Japanese na si Emma Cordero-Toba.
( JOHN FONTANILLA )