MUKHANG magkakaayos/magkakabati na ang dating magkaibigang sina Kris Aquino at Ai Ai delas Alas. Nagpadala kasi ng donation worth P50,000 si Kris sa ipinatatayong simbahan ni Ai Ai, ang Kristong Hari Church na matatapuan sa Commonwelth, Quezon City.
Sa kanyang Instagram account ay pinasalamatan ni Ai Ai si Kris.
Si Kris na ang gumagawa ng paraan para magkaayos sila ni Ai Ai.
Sana nga sa ginawang effort ng TV host/actress ay mapatawad na siya ng komedyana.
For the record, ang naging ugat ng galit o sama ng loob ni Ai Ai kay Kris ay noong hindi ito pumunta sa burol nang mamatay ang kanyang ina.
MA at PA – Rommel Placente