Thursday , June 4 2026
dead gun police

Mag-utol, 1 pa tigbak sa parak

PATAY ang magkapatid at isa pang lalaki na hinihinalang tulak ng droga makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa magkahiwalay na buy-bust operation kahapon ng madaling-araw at Lunes ng gabi sa Navotas City.

Ayon kay Senior Supt. Dante Novicio, hepe ng Navotas City  Police, nakatanggap sila ng impormasyon na patuloy ang pagbebenta ng ilegal na droga ng magkapatid na sina Jhun-Jhun, 24, at Larry Umbao, 26, kapwa ng Blk. 7, Lot 7, Site 8, Tumana Area, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) sa naturang lugar.

Agad ikinasa ang buy-bust operation dakong 2:10 am ngunit lumaban ang mga suspek kaya gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta sa kanilang pagkamatay.

Nauna rito, dakong 10:30 pm, napatay sa Oplan Sita ng mga tauhan ng PCP-4 sa Lapu-Lapu Avenue at Dalag St., Tumana Avenue, Brgy. North Bay Boulevard North (NBN) nang lumaban ang suspek na si Jay-R Derder, 27, ng Blk. 32, Tumana Area makaraan sitahin dahil sa dalang sumpak.

( ROMMEL SALES )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …