Monday , December 23 2024

PNoy, Dinky pananagutin sa Yolanda

110816_front

MAKARAAN ang tatlong taon, nais panagutin ng libo-libong pamilyang biktima ng supertyphoon Yolanda sa ‘kriminal na kapabayaan’ sina dating Pangulong Benigno Aquino III at dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Corazon “Dinky” Soliman.

Sinabi ni  Marissa Cabaljao, secretary-general ng People Surge, pinag-aaralan na ng kanilang grupo na asuntohin sina Aquino at Soliman dahil sa kabiguan na bigyan ng kagyat na ayuda ang mga biktima ng Yolanda.

Ang People Surge ay isang alyansa ng Yolanda survivors sa Eastern Visayas na nagsusulong na ibigay ng gobyerno ang mga dapat na tulong at benepisyo na kailangang matanggap ng mga biktima ng kalamidad.

Ani Caljao, may 50,000 pamilya mula sa People Surge ang nagsumite ng kanilang mga reklamo sa regional office ng DSWD na hindi nakatanggap ng emergency shelter assistance (ESA) mula sa administrasyong Aquino.

Giit niya, si Aquino ang nagpahintulot na lagdaan ni Soliman ang Memorandum Circular #24 na nagtatakda na hindi dapat makatanggap ng cash assistance ang mga biktimang nakatira sa No Dwelling Zones (NDZ).

Nauna nang sinabi ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo na hiniling niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na paimbestigahan ang natuklasan na iregularidad ng nakaraang administrasyon sa pagbibigay ng emergency shelter assistance (ESA) sa mga biktima ni Yolanda.

Aniya, sa isinumite niyang ulat kay Pangulong Duterte, nakasaad na may 200,000 biktima ni Yolanda ang hindi pinagkalooban ng ESA sanhi nang kawalan ng relocation site o dahil hindi sila kapanalig ng ilang lokal na opisyal.

Inaasahang isasapubliko ni Taguiwalo ang ulat ng DSWD sa Yolanda aid ngayon kasabay nang paggunita sa ikatlong anibersaryo ng hagupit ni Yolanda.

Habang ayon kay Caljao, gugunitain nila ngayon ang  Yolanda sa pamamagitan ng mga pagkilos sa iba’t ibang parte ng Eastern Visayas.

May 30 miyembro ng PeopleSurge ang kasali sa dialogue summit ngayon sa Multi-purpose Hall Government Center sa Baras, Palo, Leyte kasama si Pangulong Duterte.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *