IPINAHAYAG ng premyadong aktres na si Sylvia Sanchez na lalong tumitindi ang mga eksenang iyakan sa kanilang top rating drama series sa ABS CBN titled The Greatest Love. Bawat episode raw ay hindi dapat palagpasin lalo’t ito na ang part ng story na makikita na talaga yung epekto ng Alzheimers.
“Yes, papunta na roon and ngayon pa lang hindi ko ma-imagine yung pain na mararamdaman ni Gloria ‘pag nawala na totally lahat sa kanya. Kasi mayroon siyang sinabi, ang dialogue niya is parang, ‘Paano pa ako mabubuhay if makakalimutan ko ang mga anak ko?’ Para rin akong pinatay niyon, e,” saad ni Ms. Sylvia.
Ano pong dapat abangan pa sa The Greatest Love?
Sagot ng Kapamilya aktres, “Matinding iyakan… oo, kumbaga kung ngayon ay naghahanda lang kayo ng lampin, later-on ay tuwalya na ang kailangan ninyong gamitin,” nakangiting wika niya.
Kasi po ay babaha na ng luha sa serye ninyo? “Oo, sobrang babaha ng luha,” nakatawang sabi pa niya.
Anong reaction nyo na napatunayan dito na kaya mo palang maging bida sa isang TV series? “Salamat sa Diyos! After 37 years, ganoon… dumating, hahaha! Pasalamat ako dahil mayrong nagtiwala sa akin, ABS at GMO Productions.”
Nang usisain sa comment niya dahil maraming nagsasabi na dapat ay pang-prime time ang TGL, ito ang sagot ng mother nina Arjo at Ria Atayde: “Nakakatuwa kasi grabe ang reception ng mga viewers, yung pagtanggap sa soap opera namin. Actually, hanggang ngayon non-stop yung mga comment na dapat ay ilipat ng primetime! Nakakatuwa, kasi grabe yung reception ng mga viewers.”
Ang seryeng pinagbibidahan niya na napapanood after ng Doble Kara ay isang di malilimutang kuwento ukol sa pambihirang pagmamahal ng ina para sa kanyang mga anak. Siya si Gloria sa seryeng ito, isang ina sa apat na anak (Dimples Romana, Andi Eigenmann, Matt Evans, at Arron Villaflor), na mayroong Alzheimer’s disease. Ipakikita rito ang mga sakripisyong kayang gawin ng isang ina para sa mga anak. Bilang ina, ibinigay ni Gloria ang lahat sa kanyang mga anak ngunit magbabago ang lahat sa pagbubunyag ng isang malaking sikretong wawasak sa kanilang pamilya na itinago sa kanila sa loob ng maraming taon
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio