Monday , December 23 2024

Mamasapano incident bubusisiin muli — PRRD

PAIIMBESTIGAHAN muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mamasapano incident na ikinamatay ng 44 Special Action Force (SAF) sa Maguindanao noong Enero 25, 2015.

Sa kanyang talumpati sa Philippines-China Trade and Investment Forum sa Great Hall of the People  sa Beijing, China  kamakalawa, sinabi ng Pangulo nais niyang mabatid ng samba-yanang Filipino ang mga tunay na detalye sa pagkamatay ng SAF 44 sa Mamasapano, Maguindanao at kung kanino napunta ang limang milyong dolyar na pabuya para sa ulo ni Indonesian bomb expert Zulkifli bin Hir alyas Marwan.

“Forty-four Mamasapano soldiers, they went inside, they died. No dramatics, no nothing. No… Except that we grieve for our soldiers. Maybe in this — in the days ahead, I will order the opening of that issue again. Not really to prosecute people but just to know what happened? Who got the five million?” ayon sa Pangulo.

Gusto ng Pangulo na matuklasan kung ang daliri ni Marwan ay kinuha ng US Special Forces o talagang dinala at isinailalim sa forensic exam sa Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory sa Camp Crame.

“Whether the tip of the finger of Marwan, was gotten by the Special Forces of United States or was it really brought to the forensic division diyan sa Crame. These are the lies that are imposed upon the people which is not good.  Let us go for the truth. Let it out. Never mind about corruption. Too late in the day,” aniya.

Magugunitang batay sa report ng Board of Inquiry (BOI) hinggil sa Mamasapano operation, nakasaad na nilabag ni Pangulong Benigno Aquino III ang “chain of command” nang payagan si suspendidong PNP Chief Alan Purisima na pangunahan ang operasyon laban kay Marwan.

Hindi sumipot at hindi nagsumite ng salaysay si Aquino sa BOI na  pinamunuan ni Deputy Director Benjamin Magalong  at laging sinisisi ng noo’y Presidente Aquino si dating SAF chief Director Getulio Napenas sa palpak na operasyon dahil niloko raw siya at maraming ‘wishful thinking’ kaysa realidad.

Kamakailan, tinawag ni Pangulong Duterte na resulta ng katangahan at kasuwapangan ang Mamasapano incident at kaya inilarga ng administrasyong Aquino ang operasyon ng SAF sa Mamasapano ay para makobra ang bounty na limang milyong dolyar para sa ulo ni Marwan.

“Yung sa Mamasapano, it is a question of greed, kuwarta.  Gusto nila mamatay ang ating tao, ang tropa sa SAF becoz somebody para makuha nila ang reward na 5M, ‘yan ang pinag-awayan nila e. Ang gusto niya siya lang kaya… so there was fighting, almost the whole day, na ‘yung Region 11 Davao City may chopper, meron din sa Awang at sa Gensan,” ayon sa Pangulo.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *