Tuesday , April 15 2025

4 pusher patay sa buy-bust, 2 arestado (1 tigok sa vigilante)

APAT hinihinalang tulak ng droga ang napatay habang dalawa ang naaresto ng mga pulis sa buy-bust operation, at isang sangkot sa droga ang napatay ng hinihinalang mga miyembro ng vigilante sa magkakahiwalay na insidente sa mga lungsod ng Navotas at Caloocan.

Sa Navotas City, kinilala ang napatay sa buy-bust operation na sina Norberto Maderal, 42, at George Avance Jr.

Sa Caloocan City, napatay ng mga pulis sa anti-drug operation ang mga suspek na sina Michael Mercado, 39, at Florjohn Cruz, 34-anyos. Habang naaresto sa nasabing operasyon sina Susan Batac, 40, at Fitzgerald Tan, 33-anyos.

Samantala, patay ang isang 51-anyos lalaking hinihinalang sangkot sa droga na si Crisostomo Diaz makaraan pagbabarilin ng tatlong lalaking nakasuot ng bonnet na lulan ng motorsiklo kahapon ng madaling araw sa loob ng kanilang bahay sa Tambakol St., Brgy. 28, Caloocan City.

( ROMMEL SALES )

About Rommel Sales

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *