IMBES na siyang maging tagapagtanggol, ginahasa ng isang 33-anyos lalaki ang 19-anyos dalagitang kapatid sa Zamboanga del Sur kamakalawa.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente makaraan makipag-inoman ang dalawang kapatid na lalaki ng biktima.
Nang malasing ang suspek, nagpasama siya sa kanyang kapatid na babae papunta sa katabing barangay.
Ngunit nang mapadaan ang dalawa sa isang maisan ay hinalay ng suspek ang biktima.
Tinakot ng suspek ang biktima na papatayin kapag nagsumbong kaugnay sa insidente.
Ngunit nang makauwi ay nagsumbong ang biktima sa kanilang ina na agad siyang sinamahan sa himpilan ng pulis na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.