Thursday , June 4 2026

Wanted ex-cop arestado sa Thailand – PNP chief

BUMALIK na sa bansa si Philippine National Police chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa mula sa Thailand nitong Sabado ng gabi, kasama ang isang dating pulis na wanted.

Sa Facebook page ni PNP chief, nag-post siya ng larawan kasama ang isang indibidwal na dating pulis na wanted sa kasong kidnapping for ransom with homicide.

Ayon kay Dela Rosa sa kanyang post, ang suspek na kinilalang si Alexander Pangilinan ay 10 taon nang nagtatago at nagtatrabaho bilang isang resort manager sa Thailand.

Ang suspek ay kasama ni Dela Rosa nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport bandang 6:00 pm sakay ng Philippine Airlines flight PR 731.

“A very productive hunting trip with this ex-cop fugitive who has been wanted for kidnapping for ransom with homicide as the catch. Suspect fled the country and evaded arrest for 10 years while employed as resort manager in thailand,” post ni PNP chief Dela Rosa sa kanyang Facebook page.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …