Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Walang sex video – Koko

MAGING ang alyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III ay duda kung totoo ang sinasabing sex video ni Senador Leila de Lima at driver ng senador.

“Actually, I believe that there is no video. There is no actual video. Some have shown me a video but it does not involve any member of the Senate. It is a sex video but it does not involve a member of the Senate,” pahayag ni Pimentel nitong Martes sa plenaryo.

Ayon kay Pimentel, tiniyak din sa kanya ni House Speaker Pantaleon Alvarez, walang sex video na ipalalabas kapag ipinagpatuloy ng Kamara ang pagdinig tungkol sa sinasabing drug trade sa loob ng New Bilibid Prison na iniuugnay si De Lima at dati niyang driver na si Ronnie Dayan.

Una rito, sinabi ni Alvarez, wala siyang nakikitang masama kung ipalabas sa komite ang sinasabing sex video nina De Lima at Dayan.

Iginiit noon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, dapat maipalabas ang sinasabing sex video para maipakita ang relasyon ni De Lima kay Dayan, na kumukobra ng pera sa ilang bilanggo sa NBP.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …