BINUWELTAHAN ni Angelica Panganiban ang isa niyang basher na nanlait sa kanyang hitsura.
Sabi ng basher na si bloggersstuffs, “Bakit ang panget niyo po?” Na ang naging sagot ng ex ni John Lloyd Cruz sa kanyang Instagram post ay, “actually, nalulungkot pa nga ako…kasi mas gusto kong sa ‘yo ako pinagmana. Sayang. may mas ipapangit pa sana ko.”
Si Angelica talaga, hinayaan na lang sana niya ang kanyang basher, hindi na lang sana niya ito pinatulan. Alam naman ng basher niya hindi siya pangit, nagpapapansin lang ito sa kanya na gusto lang nito na mag-react siya. Na ginawa nga niya.
In fairness kay Angelica, isa siya sa may pinakamagandang mukha sa mga aktres natin sa kanyang henerasyon, sa totoo lang naman.
MA at PA – Rommel Placente