Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jen, isang modelo ang makakapareha sa seryeng gagawin sa GMA

HAYAN umamin na ang aming source na hindi na si Alden Richards ang leading man ni Jennylyn Mercado sa Koreanovelang gagawan ng Pinoy version, ang My Love From The Star dahil nga aprubado na ang seryeng pagsasamahan naman ng aktor at ni Maine Mendoza.

Kung walang pagbabago ay magsisimula ng mag-taping ng My Love from the Star si Jennylyn ngayong Oktubre.

Kaya hindi totoong naka-hold muna ang serye dahil nga kay Alden.

“Hindi totoong on-hold, tuloy ‘yan. This October magte-taping na ang ‘My Love from The Star’, may napusuan na sa mga nag-audition as leading man for Jen. Magwo-workshop muna ‘yung napili,” sabi ng aming source.

Lumutang ang pangalan ni Mark Neumann bilang leading man daw ni Jen pero sabi sa amin, ”hindi siya.”

Pero hindi naman kami sinagot kung isa si Mark sa cast ng My Love from the Star.

Napag-alaman din naming isang modelo ang magiging leading man ni Jen. Guwapo, moreno, at matangkad ang naturang lalaki na first time aarte sa harap ng kamera.

Samantala, kahapon naman ini-launch ni Jennylyn ang bago niyang album na may titulong Ultimate mula sa Ivory Records na naglalaman ng mga awiting Nakaw Tingin, Suddenly (ka-dueto si Christian Bautista), Huling Paalam, Hagdan, Lampara, Magkaibang Mundo, Bulalakaw (kasama ang Silent Sanctuary), at may pahabol na Christmas song na may titulongNakaraang Pasko na originally sung by Kuh Ledesma na may version din si Carol Banawa na isinulat ni Tats Faustino.

Sa Friday, (September 23), 6:00 p.m. gaganapin ang launching ng Ultimate sa Trinoma Activity Center kaya kitakits na.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …