Monday , December 23 2024

Ayon sa Palasyo: Testimonya ni Matobato kuwentong kutsero

KUWENTONG kutsero ang mga inilahad ni Edgar Matobato, ang testigong inilantad ni Sen. Leila de Lima bilang pangunahing testigo kaugnay sa sinasabing matagal nang pagkakasangkot si Pangulong Rodrigo Duterte sa extrajudicial killings.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, puro kasinungalingan ang inilako ni Matobato sa Senate hearing kamakalawa at masyadong halata na ginagamit lang siya para siraan si Pangulong Duterte.

Ang gulo umano ng mga kuwento ni Matobato at sa rami nang ikinompisal niyang pinaslang ay hindi naman kilala ng testigo ni De Lima.

“Tapos ‘yung facts niya ang gulo-gulo. Sasabihin niya, PAOCTF wala naman pala at that time, di naman pala nag-i-exist. Pagkatapos ngayon lang ako nakakita ng nagko-confess ng crime, ang dami raw niya pinatay pero ‘di naman niya alam kung sino ‘yung mga pinatay. So you cannot even sue him because there is no victim. E obvious na obvious na nagsisinungaling. Kuwentong kutsero talaga ‘to,” ani Panelo.

May tsansa aniya si Matobato na isiwalat ang mga nalalaman niya sa EJKs nang isinailalim siya sa Witness Protection Program (WPP) noong administrasyong Aquino ngunit hindi inilabas kahit pa ang handler niyang si De Lima bilang  justice secretary.

Ang WPP ay nasa ilalim nang pangangasiwa ng DOJ.

“E unang-una nga, ang tagal-tagal bakit ngayon mo lang sinasabi ‘yan. There is no sane reason bakit ‘di mo sinabi noon ‘yan mayor pa si Presidente Duterte noon. Wala kang reason para hindi mo ibulgar ‘yun. Nasa WPP ka, protektado ka. Pangalawa, ang handler mo noon si Secretary de Lima, Senador ngayon, e bakit hindi mo inilabas ‘yun?” ani Panelo.

Bilang abogado, batid aniya ng Pangulo na walang kuwentang saksi si Matobato kaya hindi na dapat pansinin.

“E nakita mo hindi nga pinapansin. Kasi  alam mo kaming mga abogado kung wala kakuwenta-kuwenta ‘yan hindi talaga namin papansinin,” giit niya.

Tiniyak ni Panelo, hindi mapipigilan ng ano mang black propaganda ang kampanya ng administrasyong Duterte kontra-droga at terorismo.

“But no amount of black propaganda, no amount of sinister, ploy or plan will stop the President from his relentless campaign against the drug menace and terrorism,” dagdag ni Panelo.

Payo ni Panelo kay De Lima, “Do your homework.”

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *