“I ’M just really thankful for everything and I believe that everything that is happening to me right now, I believe, si Papa, igina-guide niya ko.” Ito ang pahayag ni Arci Muñoz sa pagkakaroon ng sunod-sunod na proyekto, mapa-pelikula o telebisyon.
Maaalalang yumao ang ama ni Arci last February this year sa kasagsagan ng shooting ng pelikula nila ni Gerald Anderson under Star Cinema dahil sa sakit.
At ngayon nga ay bidang-bida na ito sa inaabangang teleserye sa Kapamilya Network, ang Magpahanggang Wakas katambal ang Asia’s Drama King na si Jericho Rosales at nakatakdang mapanood sa September 19 mula sa direkisyon ni FM Reyes.
Anito, ”Feel ko, alam ko, nararamdaman ko na igina-guide niya ko.
“At si Lord, alam ko na inihahanda niya lang ako sa tagal ng hinintay ko at ‘yung journey ko para maging mabuti ako sa craft ko.”
Bukod sa pasasalamat sa kanyang ama, nagpapasalamat din si Arci sa Business Unit Head ng Magpahanggang Wakas na si Direk Ruel S. Bayani at sa director ng serye nila na si FM Reyes.
MATABIL – John Fontanilla