NANGHINAYANG nga ba si Vic del Rosario nang hindi mapasakamay ang pelikula nina Gong Yo, Jung Yu-mi, Ma Dong Seok, at Kim So-Ahh na Train To Busan na kasalukuyang pinipilahan sa takilya ngayon?
Inalok naman daw kay boss Vic ang Train to Busan dahil
suki siya ng Korean movies kaya lang ay hindi na nag-bid ng mataas na presyo ang Viva honcho without knowing na may iba pa palang pinag-alukan na nagbigay ng mas mataas na presyo.
Ang Rafaella Films International ang nakakuha nito na nag-bid ng mas mataas kaya sa kanya napunta ang Train To Busan.
Bale ba, bihirang mag-bid ang Rafaella Films dahil base sa records nila ay pang-anim na pelikula pa lang itong Train To Busan na sila ang distributor dito sa Pilipinas.
May sequel naman daw ang Train To Busan animated na Viva Films International naman ang nakakuha.
At dahil sa success ng pelikula ay nag-tweet si Gong Yo noong isang araw na magkakaroon ng sequel ang pelikula nilang Train To Busan.
FACT SHEET – Reggee Bonoan