Saturday , December 10 2022

Vina kinasuhan ng kidnapping, illegal detention at RA 9262 ang magkapatid na Cedric at Bernice

NABANGGIT ni Vina Morales sa amin na sinampahan siya ng sandamakmak na kaso ng magkapatid na Cedric at Bernice Lee ng 5 counts of libel at perjury sa Nueva Ecija, Paranaque City at Caloocan City.

Nag-ugat ito noong nagkuwento si Vina sa media na hindi isinauli ang anak na si Ceana sa bahay niya ng ilang araw habang wala siya sa bansa.

Hindi nagustuhan nina Cedric at Bernice ang mga pahayag ng singer/actress kaya siya kinasuhan ng libel at perjury.

Noong Huwebes (Setyembre 15) ng hapon ay si Vina naman ang nagsampa ng reklamo laban sa magkapatid na Cedric at Bernice sa Mandaluyong City ng ng kidnapping, illegal detention, at Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 kasama ang legal counsel niyang si Atty. Lucille Sering.

Pahayag ng aktres, “ayoko sanang ikuwento ito kasi gusto ko tahimik lang, pero lalabas din naman ito at malalaman mo sa ibang reporters.”

Umaasa si Vina na maaayos ang mga problemang ito sa legal na paraan.

Samantala, habang isinusulat namin ang balitang ito ay naghahanda si Vina sa live finale ng Born For You na ginanap kagabi sa KIA Theater.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

vhong navarro tanya bautista

Tanya masayang-masaya sa pansamantalang paglaya ni Vhong

MA at PAni Rommel Placente MASAYA kami para kay Vhong Navarro para sa pansamantala nitong kalayaan. Nitong …

Alfred Vargas

Alfred Vargas, passion ang showbiz at paglilingkod sa bayan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKATATLONG termino bilang congressman ng District 5 ng Quezon City …

Blind Item, Male Celebrity

Newcomer nalungkot, P3,500 lang ang pay sa pagbubuyangyang

ni Ed de Leon FRUSTRATED ang isang new comer, kung ano-ano raw ang ipinagawa sa kanya sa …

Vilma Santos Roderick Paulate

Sitcom nina Ate Vi at Kuya Dick naunsyami; Commercial, pelikula nakapila na

HATAWANni Ed de Leon APEKTADO na naman ang schedule ng dapat sana ay haharaping trabaho …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo tinawag na cheap, na beastmode

MATABILni John Fontanilla HINDI nakapagtimpi at pinatulan na ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang netizen na inilarawan …

Leave a Reply