GALIT na galit dati si Robin Padilla sa kuya niyang si Rustom, na ngayon ay kilala na bilang si BB Gandanghari dahil sa ginawa nitong pagladlad o pag-amin na isa siyang bading.
Pero dumating din sa puntong natanggap niya na ang tunay na kasarian ni BB. At sa pag-file ni BB ng petition para pormal nang baguhin ang kanyang gender at pangalan, sinuportahan naman siya ni Binoe.
“Mukha naman siyang masaya. Basta masaya siya, masaya na rin ako,”sabi ni Binoe.
MA at PA – Rommel Placente