Monday , December 23 2024
shabu drugs dead

6 drug suspect utas sa Maynila

ANIM katao na hinihinalang sangkot sa droga ang namatay sa loob ng pitong oras sa magkakahiwalay na insidente sa Maynila kamakalawa.

Kinilala ang unang napatay na si Nora Lintag, 42, vendor, binaril ng dalawang hindi nakilalang lalaking lulan ng motorsiklo habang nakikipag-inoman sa Port Area, Maynila.

Kasunod na namatay ang isang 23-anyos pedicab driver na si Asrap Dalanda makaraan barilin ng hindi nakilalang lalaki habang naghihintay ng pasahero sa Port Area, Maynila.

Habang namatay ang isang alyas Buko makaraan lumaban sa mga pulis sa buy-bust operation sa Tondo, Maynila.

Sa Malate, Maynila, binawian ng buhay si alyas Greggy makaraan makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa buy-bust operation, habang sugatan ang kasama niyang si Francisco Maneja Jr., 28-anyos.

Makalipas ang ilang oras, napatay ng mga pulis nang makipagbarilan ang mag-amang sina Dante Petate Sr., at Dante Petate, Jr. nang tangkang arestohin ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest.

( LEONARD BASILIO, may kasamang ulat ni Julyn Formaran )

About Leonard Basilio

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *