Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak ni Bistek kay Gana, ‘di totoong binu-bully

ITINANGGI ni Ms. Tates Gana na binu-bully ang kanilang anak ni Quezon City Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista na si Harvey Gana sa school nila. May kinalaman umano ito sa pagkakasangkot ni Mayor sa droga dahil sa isyu kay Councilor Hero Bautista.

May tsika pa na affected umano ang bata. Unang-una, nagkatrangkaso si Harvey at mataas ang lagnat kaya naospital. Uso naman talaga ngayon ang trangkaso dahil sa naghalong init at lamig ng panahon ngayon.

“Hi friend, wala naman akong alam na ganoon,” text tsika ni Ms. Tates.

Actually, politically motivated ang paagkakadiin kay Bistek sa illegal drugs kaya nararapat lang an magbigay siya ng official statement.

“I am not and will never involve myself in the illegal drug trade. Anti-drug is my advocacy since I was 17 years old,” deklara ni Bistek.

Kung anuman ang nagawa ni Hero ay hindi dapat isisi kay Mayor Bistek dahil 48 years na ito at may sariling pamilya. Nakabukod ito sa kanya at may sariling buhay.

Dapat din na hindi madamay ang mga inosenteng anak nila sa isyung ito lalo’t walang sapat na basehan ang paratang sa kanya.

Anyway, mapakikinggan si Ms. Tates sa kanyang radio program na Serbisyo Publiko sa DZRJ 810 AM, mula Lunes hanggang Biyernes, 11 to 12 noon.

Boom!

***

HATAW ang mga dancer sa big night ng White Bird, Roxas Boulevard, Baclaran, Paranaque sa September 18 , 2016. Search for The Dance Crew ang tema. Sa mga dance group na gustong sumali at sa maga gustong manood tawagan si Gretta Locca 09291282504 at si Gellie Imperial 09215571113. Maaari ring tumawag sa  8512088, 8512089 para sa ibang detalye.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …