PAHABA raw yata ng pahaba y’ung Kalye Serye ng Eat Bulaga kaya medyo bugnot na ‘yung ibang nasa studio.
Imagine nga naman, kaytagal nilang nakapila sa Broadway Centrum para makapasok sa studio ng EB pero pagkaraan ng ilang portions ng pa-contest biglang papasok na ‘yung kalye serye na iba naman ang location para panoorin lang ng audience.
Ngayon mahahalata na humahaba pa ‘yung istorya ng kalye at puro kuwentuhan lang nina Jose Manalo at Wally Bayola ang drama.
Mabuti nga sana kung ipapasok na si Paolo Ballesteros para maiba-iba naman ang eksena. ‘Yung kiligan naman daw nina Alden Richards at Maine Mendoza ay ‘yun din lagi ang eksena.
Mabuti na lang may bagong putahe. Iyon ay ang pag-enter ni Baby Baste, ang child wonder ng GenSan. At least bago sa paningin ng madla.
SHOWBIG – Vir Gonzales