PATAY ang isang 43-anyos ginang at kanyang live-in partner na sinasabing sangkot sa illegal na droga, makaraan pagbabarilin sa harap ng kanilang mga anak ng hinihinalang mga miyembro ng vigilante group sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.
Agad binawian ng buhay ang mga biktimang sina Vivian Ramos at Adrian Perigrino, 32, ng Phase 6, Purok 4, Brgy. 178 Camarin.
Ayon sa ulat, dakong 3:00 am pinasok ng dalawang hindi nakilalang lalaki ang bahay ng mga biktima at sila ay pinagbabaril sa harap ng kanilang mga anak.
( ROMMEL SALES )