Thursday , June 4 2026

Perpetual vs EAC

TIYAK na ibubunton ng San Beda Red Lions ang kanilang ngitngit sa St. Benilde Blazers sa pagsisimula ng second round ng  92nd NCAA Men’s basketball tournament mamayang12 ng tanghali sa The Arena sa San Juan.

Sa ikalawang laro ay pinapaboran ang Arellano Chiefs kontra San Sebastain Stags sa ganap na 2 pm. Puntirya naman ng Perpetual Help Altas ang ikaanim na sunod na panalo kontra Emilio Aguinaldo College Generals sa ganap na 4 pm.

Ang Red Lions ni coach Jamike Jarin ay pinayuko ng Jose Rizal Heavy Bombers, 79-73 sa pagtatapos ng first round noong Agosto 9. Dahil doon ay nabigo ang San Beda na makumpleto ang sweep pero nagtapos pa rin sa itaas ng standings sa record na 8-1.

Ang Blazers ni coach Gaby Velasco ay walang panalo sa siyam na laro sa first round.

Tinambakan ng San Beda ang St. Benilde, 90-63 noong Hulyo 15.

Ang Red Lions ay pinangungunahan ng import na si Donald Tankoua at Fil-Am rookie Devion Potts. Ang iba pang inaasahan ni Jarin ay sina Javee Mocon, Jose Mari Presibitero, Robert Lee Bolick, Jr., at Dan Sara.

Ang Altas ngayon ang pinakamainit na koponan matapos na magwagi sa huling limang laro upang tapusin ang first round sa ikalawang puwesto sa kartang 7-2.

Ang Altas ni coach Jimwell Gican ay pinamumunuan ng mga foreign players na sina Bright Akhuete at Prince Eze. Tinutulungan sila nina Jeffrey Coronel, Gabriel Dagangon, Gerald Dizon, Leith ido  at Ric Gallardo.

Dinaig ng Altas ang Generals, 70-53 noong Agosto 2. Tinalo naman ng Arellano ang San San Sebastian, 99-81 noong Hulyo 1.

Si Arellano coach Jerry Codinera ay sumasandig sa SEA Games veteran na si Jiovani Jalalon na sinusuportahan nina Kent Salado. Allen Enriquez, Dioncee Holts at Lervin Flores.

( SABRINA PASCUA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …