INILIBAN ng Sandiganbayan ang pagbasa ng sakdal kina Sen. Sherwin Gatchalian, dating Local Water Utilities Administration (LWUA) head Prospero Pichay Jr. at 24 iba pa.
Ayon sa anti-graft court, may nakabinbin pang mosyon na kailangan resolbahin bago umusad ang paglilitis.
Itinakda ang panibagong schedule ng arraignment sa Oktubre 5, 2016.
Ang kasong katiwalian na kinakaharap nina Gatchalian at Pichay ay bunsod nang pinasok nilang deal gamit ang pondo ng LWUA.