KAHIT matagal ng walang bagong Teleserye sina James Reid at Nadine Lustre, pinatunayan ng mga ito ang lakas ng kanilang tambalan nang punuin nila ang malaking venue ng Music Hall sa SM Mall Of Asia last August 6, para sa launching nila bilang pinakabagong dagdag sa lumalaking pamilya ng Bench.
Libo-libong tao ang dumalo at nakisaya kina James at Nadine. Umpisa pa lang ng event ay dumadagundong na hiyawan ang sumalubong sa dalawa nang magbigay ng awitin.
Maging ang mga modelo ng araw na iyon ay humamig din ng tilian mula sa mga manonood. Kitang-Kita nga namin ang mga ngiti sa labi ng CEO/President ng Bench na si Ben Chan sa matagumpay na launching ng JaDine.
At kahit nga inulan ang launching, hindi sila iniwan ng kanilang avid supporters.
MATABIL – John Fontanilla