Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shooting ng movie nina Vice at Coco, sisimulan na

00 fact sheet reggeeSPEAKING of movie nina Vice Ganda at Coco Martin, hinihintay na lang pala ni Direk Joyce Bernal ang script ng pelikula para makapag-shoot na sila ngayong linggo.

Kuwento sa amin ni direk Joyce nang makatsikahan namin siya sa telepono kamakailan ay modern family daw ang concept ng pelikula na isinulat ni Allan Habon.

Sino si Allan Habon? Balik-tanong namin kay Binibining Joyce, ”hindi ko nga kilala si Allan, pero binanggit nila lahat ang works niya, like ‘yung ‘Turkey ay Pabo rin’, hindi ko pa napapanood.

“Maganda naman ‘yung storyline, kaya hinihintay ko ang script bago kami magsimula sana this week.”

Ang Ang Turkey Man ay Pabo Rin ay entry sa 2013 CineFilipino Film Festival na pinagbidahan ni Tuesday Vargas.

Sabi pa ni direk Joyce, sana nga raw ay maumpisahan na kaagad ang pelikula dahil alam niyang hectic ang schedule ng mga artista niyang sina Vice, Aura, Onyok, Pepe Herrera, at Coco sa kani-kanilang mga programa.

“Oo kasi October 31 ang deadline ng MMDA, ‘di ba?” sambit ng direktora.

Sabi namin na kasama rin pala si Negi sa pelikula. Siya ang kabatuhan ni Vice ng jokes sa Gandang Gabi Vice.

Hirit ni binibining Joyce, ”sino si Negi? Hindi ko siya kilala.”

Wala raw kasi si Negi sa ginanap na storycon nila noong Linggo ng hapon kaya walang idea si direk Joyce kung sino ang binabanggit namin.

Nagkaroon kasi ng showdown din sa pagkanta sina Negi at Benny (Ang Probinsyano) at talagang tawa ng tawa sina Vice at Coco kaya tinanong ng GGV host kung aprub sa kaibigan niya na mapasama sa pelikula nila na kaagad namang inoohan ng aktor.

Kaya balik-tanong namin kay direk Joyce ay kung co-producer ba sina Vice at Coco ng Star Cinema dahil bakit may ‘say’ ang dalawa sa gusto nilang makasama sa pelikula?

“Alam mo, hindi ko alam, walang sinasabi sa akin sila (Star Cinema/Vice/Coco), hindi rin naman ako nagtatanong,” pahayag sa amin ni binibining Joyce.

Ikaw Ateng Maricris, ano ang duda mo?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …