Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item

Guaranteed contract, ipinatutupad na sa isang estasyon

TIYAK NA makararamdam ngayon ng maraming artista sa isang TV network (hulaan n’yo kung alin sa tatlong estasyon: ABS-CBN, GMA, at TV5) ng hirap as far as sustaining their income is concerned.

Dinig namin, isa sa tatlong network ang nagpatupad ng bagong policy sa mga talent na may guaranteed contract. Para sa kaalaman ng publiko, magkaiba ang guaranteed contract at guaranteed income.

Ang una’y ginagarantiyahan lang ang artista ng trabaho within a given period of time, samantalang ang ikalawa’y pumapabor lang sa mga big star na kahit walang trabaho ay kumikita pa rin (doon lugi ang estasyon kaya obligado silang bigyan ng show ang mga artista sa ilalim ng ganitong kontrata).

The new policy of this TV station is such that a maximum of two shows na lang sa isang taon ang ibinibigay nila sa mga “lesser stars.”

At alam naman natin ang kalakaran ngayon sa TV, isang season o katumbas ng tatlong buwan lang ang karaniwang itinatagal sa ere ng isang show.

Kung ganito ang practice as it is now, ang isang artista na sakop ng guaranteed contract ay makagagawa lang ng dalawang shows sa isang taon, or equivalent to six months.  So, nganga siya sa susunod na anim na buwan!

This explains kung bakit nagluluksuhan ang mga artista from one station to another. Kailangan nga naman nilang punan ang malaking vacuum sa ‘di nila pagkakaroon ng trabahong pinagkakakitaan.

Ito rin ang dahilan kung bakit marami sa ating mga artista ay pumapasok na rin sa negosyo dahil hindi naman araw-araw ay Pasko, ‘ika nga, kung showbiz income ang pinag-uusapan.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …