Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sangre serye ng GMA, ‘di pa rin makaungos sa FPJ’s Ang Probinsyano

TO create an illusion na tinatalo nito ang FPJ’s Ang Probinsyano, ang inilalabas na ratings ng GMA na kesyo nakauungos ang kanilang fantaserye ay sumasakop lang sa Urban Luzon, at hindi—inuulit namin—buong Pilipinas, ‘no!

Tuloy, nakapanlulumo na sa kabila ng malaking ginagastos ng GMA on talent fees sa cast, production design, visual effects at kung ano-ano pa para pagandahin lang ang kanilang epiko ay hindi ito makaalagwa sa ratings.

Patuloy pa rin kasing namamayagpag ang teleserye ni Coco Martin, na kung hindi ba naman inilalampaso nito ang pinagsanib na puwersa ng hari’t reyna at ng mga diwata, extended lang naman ito hanggang 2017.

Credit should not only go to Coco sampu ng mahuhusay na co-actors niya sa Ang Probinsyano. It’s but fair na bigyan din ng kaukulang papuri ang beking bata na si Mac-Mac.

Bagamat hindi tino-tolerate ng ating lipunan hangga’t maaari ang paglalantad ng mga bading sa musmos pa nilang edad, lalong hindi naman sila dapat kamuhian.

Ayon nga sa speaking line ni Mac-Mac, “Bongga!”

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …