MAY picture si Piolo Pascual na nakayakap sa kanya ang anak na si Inigo habang natutulog ito. Binigyan ng kulay ng bashers at haters ni Piolo ang kuha nilang ‘yun ni Inigo at ginawan pa ng kuwento.
Pero hindi apektado ang aktor, deadma lang siya sa kanyang bashers. Hindi na raw siya pumapatol ngayon sa kanyang bashers.
“’Yun talaga yung nature ng tao, eh, masama ‘yung mapagduda. Eh, my son didn’t see me for two months, you know, so ganoon kami. Ganoon kami ka-affectionate sa isa’t isa so mainggit na lang sila, ‘di ba?” sabi ni Piolo.
Aniya pa, “Ipinagkikibit-balikat na lang ‘yun at mas maraming may kuwentang gawin sa buhay kaysa pumatol.”
O ayan Luis Manzano, gayahin mo si Piolo na hindi na ngayon pumapatol sa bashers. Dapat deadma ka na lang din sa mga basher mo.
MA at PA – Rommel Placente