AMINADO si Billy Crawford na seloso siya pero naiintindihan niya kung may love scene ang girlfriend niyang si Coleen Garcia. Hindi nga niya ito binawalan kina Derek Ramsay at Piolo Pascual. Natuwa lang siya na mga kaibigan niya ang kaeksena ng girlfriend.
“It’s part of it (work). Part of the story ‘yon. ‘Pag mag-asawa, they make love. It’s part of the movie. It’s her job and my job,” reaksiyon niya.
Pinanonood daw niya ang mga love scene ni Coleen.
“I trust her. May tiwala ako sa kanya, eh. Kasi kung may ibang malice ang kasama niya, ako naman ang unang sasabihan niya. Lagot na lang sila ‘pag ganoon,” sambit pa ng singer actor.
Sa August 10 na ang showing ng That Thing Called Tanga Na.
Paminta ang role niya sa pelikula na kasama sina Angeline Quinto, Kean Cipriano, Martin Escudero, at Eric Quizon.
TALBOG – Roldan Castro